Aldub Fans dagsa na sa Phillippine Arena

By Den Macaranas October 24, 2015 - 09:15 AM

tamang panahon
Inquirer photo

Alas-sais ngayong umaga ay nagsimula nang dumagsa sa Philippine Arena sa Bocaue Bulacan ang mga tagahanga ng “AlDub” para sa kanilang pagtatanghal ngayong araw na may titulong “Tamang Panahon”.

Nang buksan ang mga gates ng Philippine Arena ay nagsimula nang pumasok ang mga tagahanga nina Alden Richards at Maine Mendoza o Yaya Dub para sa pagtitipon ng AlDub nation na magsisimula alas-onse mamaya.

Nauna dito ay naglabas ng traffic advisory ang pamunuan ng Northern Luzon Expressway dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga tao sa lugar.

Nagdagdag na rin ng mga tauhan ng pulisya ang pamunuan ng Philippine National Police Region 3 para tiyakin ang seguridad ng mga dadalo sa nasabing event.

Maging sa mga lugar dito sa Metro Manila kung saan may libreng sakay sa bus papunta sa Philippine Arena para sa mga Aldub fans ay nagdagdag din ng seguridad ang mga pulis.

Kahapon pa lamang ay busy na sa mga social networking sites ang mga tagahanga ng Aldub kaugnay sa kanilang gagawing pagtitipon ngayong araw.

 

 

TAGS: AlDub, eat bulaga, Philippine Arena, AlDub, eat bulaga, Philippine Arena

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.