Duter-TRAIN effigy, sinunog ng mga militante sa Commonwealth Avenue

By Rod Lagusad July 24, 2018 - 04:23 AM

Sinunog ng mga militante ang Duter-TRAIN effigy na siyang nagpapakita ng pinaghalong mukha ni Pangulong Duterte at ng isang sasakyan na siyang sumisimbolo sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law ng administrasyon.

Ang naturang effigy ay simbolo ang high cost of living na kagagawan ng TRAIN.

Sinunog ang effigy matapos ang naging State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo sa Batasang Pambansa.

Maliban dito ay nag-drawing din ang mga milintante sa kalsada para ipakakita ng kanilang pagprotesta sa ilang polosita ng administrasyon.

Umabot sa nasa 12, 000 katao ang huling pagtataya ng NCRPO sa mga nakibahagi sa anti-protest laban kay Pangulong Duterte.

TAGS: effigy, SONA, Train, effigy, SONA, Train

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.