Bilang namatay sa Bataan dahil sa tuloy-tuloy na pag-uulan, umakyat na sa 5

By Rod Lagusad July 24, 2018 - 04:22 AM

Lima katao na ang nasawi kasunod ng malakas na buhos ng ulan dulot ng pinagsamang Bagyong Josie at ng habagat.

Kabilang sa mga nasawi ay ang 13 taong gulang na si Raymund Rapsing at ang 27 taong gulang na tiyuhin nito na si Ronnel Aniban.

Namatay ang dalawa matapos mabagsakan ng nag-collapse na pader sa Barangay Cataning, Balanga City.

Ayon kay Bataan Information Officer Jimmy Mangalinda, hindi inaasahan ng biglang pag-agos ng tubig mula sa gubat at dahil sa lakas na rin ng ulan ay lumabot ang lupa.

Ang tatlo pang nasawi ay sina Philip Cordova ng Barangay Cupang matapos makuryente habang sinusubukang iligtas ang tatlong batang stranded sa baha, Gary Cabiling na sinubukan din na mangligtas ng mga kapitbahay at ang 6 na taong gulang na si Elisse Nicole Mendoza matapos maanod ng baha.

Una dito, noong Linggo ay idineklara ng nasa ilalim ng state of calamity ang Balanga at inalupihan dahil sa maraming lugar nito ang lubog sa baha.

TAGS: bataan, bataan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.