John Arcilla, umaasa na mas papatok sa mga millenials ang pelikulang ‘Goyo’

By Rod Lagusad July 24, 2018 - 04:13 AM

Umaasa ang aktor na si John Arcilla na naging bahagi ng historical biopic ‘Heneral Luna’ na mas maraming mas nakakabatang audience o millenials ang makakapanood ng sequel nito na ‘Goyo: Ang Batang Heneral’.

Ito aniya ay dahil umiikot ang kwento ng pelikula sa isang batang bayani.

Dadag pa ni Arcilla, na maaring dahil sa pelikula ay mag-spark ito ng diskusiyon sa mga kabataan kung paano sila makakapaglingkod sa bayan.

Ayon kay Arcilla ay sana suportahan ng mga nanood ng ‘Luna’ ang ‘Goyo’.

Naniniwala rin ang aktor na maganda ang pagkakaiba ng mga karaker nina Antonio Luna at Gregorio del Pilar.

TAGS: Goyo, John Arcilla, Goyo, John Arcilla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.