Ginebra pasok na sa Finals, matapos talunin ang Rain or Shine
Wagi ang Barangay Ginebra kontra Rain or Shine sa score na 96-94 para umabante sa finals ng 2018 PBA Commissioner’s Cup.
Makakaharap ng Gin Kings sa best-of-seven finals ang defending champion San Miguel Beer simula sa daraing na Biyernes.
Ayon kay Ginebra Head Coach Tim Cone, siya ay nakahinga na ng maluwag dahil hindi na umabot ng Game 5 ang laban sa Rain or Shine.
Aniya, ang buong team ay natutuwa na kanilang makakasagupa ang San Miguel.
Pinangunahan nina Scottie Thompson, Joe Devance, Greg Slaughter at LA Tenorio ang koponan para tuluyang talunin ang Elasto Painters sa laro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.