Pagpapatuloy ng VIP treatment sa loob ng bilibid pinaiimbestigahan

By Den Macaranas October 24, 2015 - 08:45 AM

New-Bilibid-Prison
Inquirer file photo

Pinasisiyasat ng bagong talagang kalihim ng Department of Justice kung bakit hanggang ngayon ay nagkalat pa rin ang mga sa mismong loob ng maximum compound ng New Bilibid Prisons (NBP).

Sinabi ni DOJ Sec. Ben Caguioa na dapat tiyakin ng NBP na ligtas sa anumang uri ng kapahamakan ang mga preso sa loob ng bilibid.

Nag-ugat ang nasabing direktiba makaraang barilin at mapatay sa mismong loob ng piitan ang bagong lider ng Commando Gang na si Charlie Quidato. Si Quidato ay binaril ng isa ring lider ng kanilang grupo na si Ronald Catapang sa loob ng mismo ng kubol ng biktima.

Sa report ng NBP, pinapunta umano ni Quidato sa kanyang kubol sa Dorm no. 9 si Catapang at inutusan na hagisan ng granada ang iba pang miyembro ng Commando Gang na kinabibilangan ng kanilang dating lider na si JB Sebastian.

Nang tumanggi si Catapang ay agad umano siyang tinutukan ni Quidato ng kanyang .357 Magnum na baril.

Nang makakuha ng tiyempo ay inagawa niya ang baril ng lider ng Commando gang at ang nasabing baril mismo ang ipinutok niya ng ilang beses sa biktima na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Makaraan ang pamamaril ay kaagad na pinasok ng mga tauhan ng NBP ang Dorm No. 9 at doon ay naka-recover sila ng labing-apat na ibat-ibang uri ng baril. Magugunitang kamakailan lamang ay nagkaroon ng stand-off sa loob ng NBP nang tumanggi ang grupo ni JB Sebastian na mailipat sa Building 14 mula sa kanilang mga kubol na punong-puno ng mga makabagong appliances.

Si Sebastian na isang drug lord ay nauna na ring napabalitang protektado ng ilang opisyal ng Bureau of Corrections at DOJ kaya’t nakakapamuhay siya ng marangya sa loob ng piitan.

Bukod sa mga luxury items, ilang beses na ring nahulihan ng mga high-powered firearms ang grupo ni Sebastian subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung sino ang nagsu-supply sa kanila ng nasabing mga armas.

TAGS: Caguioa, Commando Gang, DOJ, NBP, Caguioa, Commando Gang, DOJ, NBP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.