Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ang Kongreso na ipasa ang panukalang bubuo sa Department of Disaster Management.
Ayon sa pangulo, ang pagapasa sa naturang panukala ay pagpapaigting ng kaligtasan ng mga Pilipino.
Una nang nabanggit ng pangulo ang nasabing pagbuo sa kagawaran sa naging SONA nito noong nakaraang taon.
Sa kasalukuyan ay may mga panukalang nakabinbin sa Kongreso para sa pagbuo ng naturang kagawaran.
Ang mga nasabing panukala ay siyang papalit sa kasalukuyang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
READ NEXT
Pangulong Duterte, aminadong maraming hindi nasiyahan sa ipinasanang EO para sa contractualization
MOST READ
LATEST STORIES