Nagsasagawa na ng precinct mapping ang Commission on Elections bilang paghahanda sa kauna-unahang botohan sa mga malls.
Ito ay para matukoy kung aling mga pinakamalapit paaralan sa barangay kung saan nakatayo ang mall na gagamitin sa bothohan.
Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, tinatayang nasa dalawang miyong botante ang inaasahang boboto sa mga shopping malls.
Ipinakita ni Bautista sa media ang plano nilang setup ng mall voting sa Robinsons Magnolia sa Quezon City at kung paano ito isasagawa.
Aniya, mock up pa lamang ang kanilang isinagawa at bukas ang Comelec sa anumang suhestyon at obserbasyon ng sinuman para mas mapaunlad pa ang planong ito.
Nilinaw din ni Bautista pianapayagan ng Saligang Batas at ng Omnibus Election Code ang Comelec na pumili ng lokasyon na pagdarausan ng botohan, kaya ligal ang pagsasagawa ng mall voting.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.