Panukalang Bangsamoro Organic Law bigong ratipikahan ng kamara

By Erwin Aguilon July 23, 2018 - 12:54 PM

Kuha ni Erwin Aguilon

Bigo na maratipikahan sa kamara ang Bangsamoro Organic Law.

Matapos magbukas ang sesyon ng mababang kapulungan ng kongreso ay agad itong nag-adjourn pasado alas 12:00 ng tanghali.

Si House Assistant Majority Leader Rimpy Bondoc ang nag-mosyon na suspendihin na ang sesyon at magbalik na lang alas 4:00 ng hapon.

Tinanggap naman ni Deputy Speaker Gwen Garcia ang mosyon.

Isinagawa ang adjournment nang walang nararatipikahang BOL.

Maging ang napabalitang ouster o pagpapatalsik kay House Speaker Pantaleon Alvarez ay hindi natalakay sa pagbubukas ng sesyon.

TAGS: Bangsamoro Organic Law, House of Representatives, Radyo Inquirer, Bangsamoro Organic Law, House of Representatives, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.