Bilang ng evacuees sa Marikina City nabawasan na

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 23, 2018 - 12:44 PM

Kuha ni Isa Umali

Tuluyan nang bumaba ang antas ng tubig sa Marikina River.

Sa huling abiso ng Marikina City Rescue, nasa 13.8 meters na lang ang water level sa ilog.

Wala na ring naitalang mga pag-ulan at wala nang tubig na bumababa sa ilog mula sa mga kabundukan sa Rizal.

Dahil dito bumaba na rin ang bilang ng mga evacuees na nananatili sa mga evacuation centers,

Sa Malanday Elementary School, 526 na katao na lamang ang natitira, sa Marikina Elementary School naman ay mayroong 160 na evacuees, habangsa Bulelak Gym ay mayroong 119 evacuees.

Sa kabuuan, mayroon pang 183 na pamilya o 881 na indibidwal na nasa mga evacuation center sa Marikina.

TAGS: evacuees, Marikina, water level, evacuees, Marikina, water level

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.