Sister Patricia Fox inihain na ang apela sa deportation order ng BI
Pormal nang naghain ng kaniyang apela sa Bureau of Immigration (BI) si Australian missionary nun Patricia Fox.
Sa kaniyang mosyon na inihain ng kaniyang abogado, umapela si Sister Fox sa deportation order sa kanya ng BI.
Iginiit ng kampo ng madre na na-prejudge ng BI ang kaniyang kaso at nanindigang wala siyang nilalabag na batas.
Umaasa si Sister Fox na ikukunsidera ng BI ang kaniyang apela.
Ayon sa kampo ni Sister Fox kung hindi mababago ang pasya ng BI, ay tila nabigyang kapangyarihan na ang ahensya na bigyan ng sarili nilang depinisyon ang “religious missionary” at ang magpasya sa kung ano ang pwede at hindi pwedeng gawin ng mga misyonaryo na nasa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.