Red rainfall warning itinaas ng PAGASA sa Northern Palawan
By Donabelle Dominguez-Cargullo July 23, 2018 - 11:45 AM
Matinding pag-ulan ang nararanasan ngayon sa Northern Palawan.
Sa abiso ng PAGASA na inilabas alas 11:11 ng umaga, red rainfall warning ang umiiral sa Northern Palawan at nagbabala ito ng pagbaha sa mabababang lugar.
Nakataas naman ang orange warning level sa Occidental Mindoro.
Ayon sa PAGASA ang pag-ulan na nararanasan sa dalawang lalawigan ay bunsod ng Habagat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.