Nahaharap sa dalawang buwang suspensiyon si Marinduque Gov. Carmencita Reyes alinsunod sa kautusan ng Sandiganbayan.
Pinagbigyan ng Sandiganbayan ang mosyon na inihain ng mga prosekyutor ng Ombudsman na suspendehin si Reyes para sa nakabinbing pagdinig ng kasong graft and corruption na may kaugnayan sa maling paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF).
Ayon sa resolusyon ni Justice Teresita Diaz Baldos ng 2nd division ng anti-graft court, mayroong legal na suporta ang pagpayag ng korte na magpataw ng preventive suspension kay Reyes.
Ipinaubaya na rin ng korte kay Interior and Local Government Sec. Mel Senen Sarmiento ang implementasyon nito.
Kinasuhan ng Ombudsman si Reyes dahil sa pagkakasangkot sa fertilizer fund scam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.