Bagyong Josie nakalabas na ng bansa; habagat magpapaulan pa rin sa Luzon at Western Visayas

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 23, 2018 - 11:18 AM

Nakalabas na ng bansa ang bagyong Josie pero patuloy na maghahatid ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon at sa Western Visayas ang Habagat na pinalalakas nito.

Ayon sa PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa 585 kilometers North Northeast ng Basco, Batanes.

Napanatili ng bagyo ang lakas nitong 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 65 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-hilagaya sa bilis na 20 kilometers bawat oras.

Kahit nasa labas na ng bansa, patuloy na pag-iibayuhin ng bagyo ang Habagat na magpapaulan sa Ilocos Region, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro, Palawan, at sa Western Visayas.

Ang Metro Manila naman, nalalabi pang bahagi ng Luzon at Visayas ay makararanas lang ng minsanang pag-ulan.

Samantala, ang Low Pressure Area na nasa labas ng bansa ay huling namataan sa 1,495 kilometers east ng Central Luzon at magiging isang ganap na bagyo sa susunod na 1 hanggang 2 araw.

TAGS: LPA, Radyo Inquirer, weather, LPA, Radyo Inquirer, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.