Trabaho, pagtugon sa inflation, nais ng nakararaming Filipino na matalakay sa SONA ng pangulo

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 23, 2018 - 09:51 AM

Nais ng nakararaming Pinoy na sumentro ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa trabaho at inflation.

Ito ang lumitaw sa isinagawang survey ng Pulse Asia.

Sa isinagawang Survey, binigyan ng 10 isyu ang mga respondent at pinapili sila ng tatlong nais nilang talakayin at maging sentro ng SONA ng pangulo.

Nanguna sa mga isyu na nais ng mga Pinoy na sentruhan ng SONA ang paglikha ng maraming trabaho na nakakuha ng 56 percent, pangalawa ang pakontrol sa inflation na mayroong 52 percent at ikatlo ang maayos na pasweldo sa mga manggagawa na nakakuha ng 48 percent.

Nasa pang-apat na pwesto ang pagtugon sa kahirapan na mayroong 33 percent at panglima ang wakasan ang “endo” na nakakuha ng 27 percent.

Kasama rin sa mga isyung inilatag sa surey ang war on drugs, laban sa korapsyon, paggiit ng karapatan ng bansa sa territorial issues, pederalismo at charter-change.

Ginawa ang survey noong June 15 hanggang 21 sa 1,800 na adults sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

TAGS: pulse asia, SONA, survey, pulse asia, SONA, survey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.