Chinese diplomats na sangkot sa pamamaril sa Cebu City, nasa Maynila na
Dinala na sa Maynila ang mag-asawang Chinese na hinihinalang suspek sa pamamaril na naganap sa Cebu City na ikinamatay ng dalawang Chinese diplomats at ikinasugat ng kanilang Consul General.
Kinumpirma ni Chief Supt. Prudencio Tom Bañas, police director ng Central Visayas, na mula sa Camp Sergio Osmena sa Cebu City, dakong alas 6:30 kagabi ay dinala nila sina Consul Gou Jing at Li Quing Liang sa Mactan Cebu International Airport.
Hindi bababa sa anim na sasakyan ang kabilang sa convoy na nagdala sa dalawang suspek na in-escortan nina Bañas kasama ang ilan pang mga pulis, mga kinatawan ng Department of Foreign Affairs at Chinese Embassy.
Tumanggi naman si Bañas na banggitin kung anong oras eksakto ang dating ng mga suspek sa Maynila at kung isasakay ba sila sa private plane para sa seguridad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.