Dalawa ang naitalang patay habang binaha naman ang maraming lugar sa Bataan nitong nagdaang weekend.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, ang dalawang nasawi ay natabunan ng pader sa kasagsagan ng pagbaha sa Balanga.
Sampung bayan at isang lungsod ang apektado ng baha sa Bataan.
Maraming motorista din ang na-stranded dahil ang mga lansangan ay lubog sa tubig baha.
Hanggang ngayong Lunes, (July 23) ng umaga marami pa ring lugar sa lalawigan ang binabaha.
Ayon sa PDRRMO, sa DInalipuhan, 18 hanggang 24 inches ang tubig baha sa Mabini Extension, 12 to 18 inches sa Barangay Sta. Isabel, 8 to 10 inches sa Pita SCTEX Tunnel, 8 to 10 inches din sa Barangay Daang Bago at 4 to 6 inches sa Sapang Balas SCTEX Tunnel.
Sa Hermosa naman, 7 to 10 feet pa ang tubig baha sa Almacen, 5 feet sa A. Rivera, Culis, Saba, at Mandama ; 4.5 feet sa Daungan; 4.5 feet din sa Pulo, Cataning, Mabuco, Bamban, at Mabiga at 3 feet sa Burgos, Palihan, at Balsik.