HS Alvarez patatalsikin sa pwesto sa pagbubukas ng sesyon ng kamara

By Erwin Aguilon July 23, 2018 - 08:55 AM

Inquirer Photo

Sa pagbubukas ng 3rd regular session ng 17th Congress muling umugong ang balitang pagpapatalsik kay House Speaker Pantaleon Alvarez.

Ayon sa ilang source na lider ng kamara may mga kumausap na sa kanila upang suportahan ang kudeta laban kay Alvarez.

Sinabi ng source na si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang napipisil na kapalit na house speaker.

Ayon pa sa isang source, kalagitnaan pa ng nakaraang linggo nang maging usap-usapan ito pero hanggang kagabi ay nag-uusap umano ang ilang party leaders.

Sinabi ng isa pang source na may kaniya-kaniyang pulong ang mga bumubuo ng super majority coalition ukol sa “Out Alvarez Plot”.

Kailangan ng 50 percent plus 1 na boto upang mapatalsik ang nakaupong speaker.

TAGS: House of Representatives, House Speaker Pantaleon Alvarez, Radyo Inquirer, House of Representatives, House Speaker Pantaleon Alvarez, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.