Pang. Duterte nag-practice hanggang alas 11:00 ng gabi para sa kaniyang SONA

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 23, 2018 - 08:46 AM

Inabot ng hanggang alas 11:00 ng gabi si Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-eensayo ng kaniyang State of the Nation Address (SONA).

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na dalawang oras nag-practice si Pangulong Duterte kagabi.

Alas 11:00 na aniya ng gabi sila natapos, at sa tansya ni Roque, kung magiging tuluy-tuloy ang pagbasa ng pangulo sa kaniyang speech ay tatagal lang ito ng 30 hanggang 40 minuto.

“iguro po magiging 40-minutes, kahapon po medyo natapos na kami alas 11:00 dalawang oras po umabot ang rehearsal pero kasi patigil-tigil ine-edit ang speech. Pero sa tingin ko po mga 40-minutes po iyan kung walang tigil. Ang tingin ko po dahil lahat ng gusto niya ay nadagdag na kahapon ay dire-dretso na po ang pagbasa ng speech niya dahil kung ano ang gusto niya idinagdag na niya kagabi,” Ani Roque.

Dagdag pa ni Roque, sesentro ang talumpati sa mga pangako ni Pangulong Duterte na kampanya kontra ilegal na droga, korapsyon at mabigyan ng komportableng buhay ang mamamayan.

Naniniwala si Roque na makukuntento at magugustuhan ng publiko ang ilalatag na SONA ng pangulo.

“Yung kontra droga, kontra korapsyon, komportableng buhay, at ngayong hapon po ay inaasahan natin na lilinawin ni pangulo kung ano nang nakamit natin dito sa tatlong pangako niya at ano pang gagawin par alalong makamit ang mga pangako niya. OK naman po, ang tingin ko ay makukuntento ang taumbayuan sa kaniyang report, at meron pang ilang mga sorpresa na ilalabas ang ating presidente,” dadag pa ni Roque.

TAGS: Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, State of the Nation Address, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, State of the Nation Address

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.