11 taxi drivers patay sa pananambang sa South Africa

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 23, 2018 - 08:05 AM

eNCA Photo

Patay makaraang tambangan ang labingisang taxi drivers sa South Africa na pawang kauuwi lamang mula sa libing ng kanilang kasamahan.

Pinagbabaril ang mga taxi driver na pabalik ng Johannesburg pagkatapos nilang dumalo sa libing ng kanilang kasamang taxi driver sa Kwa-Zulu Natal.

Ayon sa mga otoridad, pawang miyembro ng Gauteng taxi association ang mga biktima.

Sakay sila ng isang minibus nang sila ay tambangan.

Maliban sa 11 nasawi, mayroon pang 4 na nasugatan.

Ayon sa mga pulis, may namamayaning away sa pagitan ng mga transport group ng taxi sa lugar at iyon ang hinihinalang motibo sa pananambang.

TAGS: south africa, taxi drivers, south africa, taxi drivers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.