Pangulong Aquino, aminadong mayroon pa ring kurapsyon sa gobyerno
Aminado si Pangulong Benigno Aquino III na hindi pa rin tuluyang nauubos ang mga tiwali sa pamahalaan.
Bagaman pinuri siya ng mga negosyante sa ginanap na 119th General Meeting of the Semiconductor and Electronics Industries in the Philippines (Seipi) para sa pagtataguyod ng mabuting pamamahala, inilapit pa rin ng mga ito kay Pangulo ang kanilang alalahanin na nabibiktima pa rin sila ng kurapsyon at red tape.
Bilang sagot ay inamin niya ito, ngunit iginiit niya na ang kampanyang pagpuksa sa kurapsyon sa bansa ay patuloy nilang pinagsusumikapan.
Ipinagbigay halimbawa niya rito ang pagpapanagot ng Office of the Ombudsman sa kaniyang mga ka-alyado dahil sa katiwalian.
Aniya mayroon talagang mga ahensya ng gobyerno kung saan namumutiktik ang mga tiwali, at nagsisilbing malaking hamon para sa kanilang mga tagapagtaguyod ng matinong pamamahala na alisin ang mga ito.
Ipinaliwanag naman ni Pangulo na wala namang tatanggap ng suhol kung walang nanunuhol, at ito ang kaugalian na kaakibat ng kurapsyon na dapat nang itigil at baguhin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.