Number coding suspendido na ngayong araw

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 23, 2018 - 06:38 AM

Suspendido na ang pag-iral ng number coding ngayong araw.

Sa abiso ng MMDA, maaring bumiyahe sa Metro Manila ang mga sasakyan na coding ngayong araw o ang mga may plaka na nagtatapos sa 1 at 2.

Sinupisnde ang number coding dahil suspendido na ang klase ngayong araw sa lahat ng antas sa buong Metro Manila dahil sa naranasang masamang panahon.

Maliban dito, ngayon din ang SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, wala pa namang abiso mula sa Makati at Las Pinas City hinggil sa suspensyon ng coding sa kanilang lugar.

TAGS: mmda, number coding, Radyo Inquirer, mmda, number coding, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.