Sa weather bulletin ng PAGASA huling namataan ang bagyo sa 475 kilometers North Northeast ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 65 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong Northwest.
Maghahatid pa rin ito ng kalat-kalat na pag-ulan sa Ilocos Region, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoo, Palawan, at Western Visayas.
Habang minsanang pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng Luzon at Visayas.
Ngayong araw ay inaasahang lalabas na ng bansa ang bagyo.
Samantala, isa pang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa.
Huli itong namataan sa 1,230 kilometers East ng Southern Luzon at posibleng maging isang ganap na bagyo sa susunod na 24 hanggang 48 oras.