Orange rainfall warning itinaas sa Occ. Mindoro at Palawan
Itinaas ng PAGASA ang orange rainfall warning sa Mindoro Occidental at sa Northern Palawan.
Ayon sa PAGASA, nakararanas ng malakas at tuluy-tuloy na pag-ulan ang dalawang lugar bunsod ng Habagat.
Maari pang magpatuloy ang malakas nap ag-ulan sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.
Binalaan ng PAGASA ang mga residente sa naturang lugar na maging alerto sa pagbaha at landslides.
Kaninang alas 4:00 ng umaga unang itinaas ng PAGASA ang orange rainfall warning din sa Bataan at Southern Zambales.
Habang yellow warning naman ang umiiral sa Pampanga, Cavite at Batangas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.