Malacanañg: Pangmatagalang solusyon para labanan ang kahirapan ikinakasa na

By Rhommel Balasbas July 23, 2018 - 03:38 AM

Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na kasalukuyan nang inilalatag ng gobyerno ang mga pangmatagalang solusyon upang matugunan ang problema sa kahirapan.

Pahayag ito ng palasyo matapos lumabas sa suvey ng Social Weather Stations (SWS) na lumobo sa 11.1 milyong pamilya ang nagsabi na sila ay mahirap sa 2nd quarter ng 2018.

Mas mataas ito sa tinatayang 9.8 milyong pamilya na nagsabing sila ay mahirap noong unang bahagi ng taon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, itinutulak ang pag-aalis sa quota ng ini-import na bigas dahil ang bigas ay 20 percent ng kabuang kinokonsumo ng mahihirap.

Ang implementasyon din anya ng Build, Build, Build program na flagship project ng administrasyon ay inaasahang magpapababa sa transportation cost ng mga pagkain at produkto.

Iginiit pa ng kalihim na sineseryoso ng gobyerno ang resulta ng SWS survey ngunit kailangan din anyang ikonsidera kung kailan ito isinagawa.

Sinabi ni Roque na isinagawa ang survey noong Hunyo na panahon kung kailan inanunsyo ang pagtaas sa inflation rate at naramdaman ng mga pamilya ang mataas na presyo ng mga pagkain lalo na ang bigas.

Samantala, ipinagmalaki rin ng palasyo ang Unconditional Cash Transfer ng Department of Social Welfare and Development na naipamahagi na sa 3.8 milyon ng kabuuang 10 milyong mahihirap na pamilya.

Ibinida rin ng kalihim ang cash card na ipinamamahagi ng Department of Transporation sa jeepney operators na sinimulan ngayong Hulyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.