2 menor de edad kabilang sa naaresto sa Oplan Galugad sa Parañaque City

By Justinne Punsalang July 23, 2018 - 12:29 AM

Parañaque Police

Arestado ang apat katao, kabilang ang dalawang menor de edad sa isinagawang Oplan Galugad ng mga otoridad sa Barangay Moonwalk, Parañaque City.

Narekober ng Parañaque City Police ang 35 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana at isang ziplock na naglalaman din ng dahon ng marijuana.

Kinilala ang mga naaresto na sina Ryan Jay San Juan, 19 na taong gulang; Richard Abajero, 19 na taong gulang; at dalawang 17 taong gulang na mga binata.

Mahaharap ang mga binata sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon sa mga otoridad, maging ang dalawang menor de edad ay posibleng makasuhan dahil sila ay nasa age of discernment na.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.