Jesus Is Lord Church, nagdiwang ng ika-37 anibersaryo
Masayang ipinagdiwang ng mga miyembro ng Jesus Is Lord Church Worldwide ang kanilang ika-37 anibersaryo , October 23.
Pinangunahan ni JIL Spiritual Director at International President Bro. Eddie Villanueva ang kanilang pagdiriwang na may temang “Declaring Victory, Exalting Jesus” na nagsimula kaninang alas 3:00 ng hapon sa Luneta Park, Manila.
Dinagsa ng libu-libong katao ang nasabing selebrasyon kung saan dumalo rin ang ilang kilalang mga personalidad tulad ni pambansang kamao Manny Pacquiao, mga naging participants ng Asia’s Got Talent na sina Rachel Pegason at Gwyneth Dorado kasama si The Voice finalist Daryl Ong na naghandong ng awit sa mga naroon.
Mayroong higit apat namilyong miyembro ang JIL sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.