Dalawang pulis-Palawan patay sa ambush

By Rhommel Balasbas July 23, 2018 - 12:25 AM

PRO MIMAROPA

Patay sa pananambang ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang dalawang pulis sa Taytay, Palawan Linggo ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina PO3 Alexander Mimbalawag at PO1 Julpetri Gustaham.

Napag-alamang reresponde lamang sana ang dalawa kasama ang isang team mula sa 401st Regional Mobile Force Company sa natanggap na impormasyon tungkol sa isang vehicular accident sa lugar bandang alas-8:30 ng umaga.

Matapos ang imbestigasyon bandang alas-10:35 ay nagpasya nang bumalik sa istasyon ang grupo ng dalawa.

Gayunman nang makarating sa Nagtakayan, Brgy. Bato ay dito na pinagbabaril sina Mimbalawag at Gustaham ng hindi pa nakikilalang mga salarin na nagresulta sa kanilang pagkamatay.

Bunsod ng insidente, pinag-utos ni Regional Director Police Chief Supt. Emmanuel Luis Licup sa lahat ng units ng pulisya na maging alerto at higpitan ang ipinatutupad na seguridad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.