Red rainfall warning itinaas sa Cavite, Batangas, at Bataan

Makararanas ng lubhang malakas na pag-uulan o torrential rains ang mga lalawigan ng Cavite, Batangas, at Bataan ayon sa PAGASA.
Sa 4PM heavy rainfall advisory ng weather bureau, nakasaad na ang mga pag-uulan ay dahil sa southwest monsoon o hanging habagat na pinalakas pa ng bagyong Josie.
Nakataas naman ang orange rainfall warning sa Metro Manila, at probinsya ng Laguna at Zambales.
Yellow rainfall naman ang idineklara para sa buong lalawigan ng Rizal.
Makararanas ng mahina hanggang sa katamtaman na paminsan ay mabigat na pag-ulan ang Quezon province, Bulacan, Pampana, Tarlac, at Nueva Ecija na magtatagal hanggang sa tatlong oras.
Muling maglalabas ng abiso ang PAGASA mamayang alas-5 ng hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.