Balanga at Dinalupihan isinailalim sa state of calamity

By Justinne Punsalang July 22, 2018 - 04:37 PM

Idineklara na ng lokal na pamahalaan ng Balanga at Dinalupihan sa Bataan ang state of calamity sa kanilang lugar dahil sa mga pagbaha at mabigat na pag-ulang dulot ng umiiral na southwest monsoon o hanging habagat.

Inabisuhan ni Balangay Mayor Francis Garcia ang mga residente na maging handa at lumikas na sa kanilang mga tahanan.

Sa ngayon ay nakararanas ng hanggang dibdib na pagbaha ang Balanga, maging ang katabi nitong bayan ng Abucay.

Ayon kay Office of the Civil Defense Undersecretary Ricardo Jalad, nakatatanggap ng ulat ang kanyang opisina, maging ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) tungkol sa mga flashflood sa ilang mga lugar sa Bataan. Kaya naman patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga opisyal sa lugar.

Kapwa idineklara nang walang pasok sa lahat ng antas, pribado at pampubliko sa dalawang mga bayan para bukas, July 23, 2018.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.