State of calamity idineklara sa Marikina City

Isinailalim na sa state of calamity ang lungsod ng Marikina.

Ayon kay Marikina Mayor Marce Teodoro, ang naturang deklarasyon ay upang masimulan na ang pagbibigay ng ayuda sa mga binahang mga residente sa kanilang lungsod.

Aniya, isang linggo nang binabaha ang Marikina at marami na ring mga residente ang hindi nakakapasok sa kanilang mga paaralan at trabaho dulot ng malalakas na pag-uulan.

Nagsasagawa na rin ng preemptive evacuation ang mga binahang residente dahil sa pagtaas ng tubig sa Marikina River.

Sa huling update kaninang alas-4:15 ng hapon, bumaba na sa 15.9 meters ang taas ng tubig sa ilog, at nasa first alarm ito.

Kaugnay nito ay idineklara nang walang pasok bukas, araw ng Lunes, July 23 para sa lahat ng antas, pribado at pampubliko sa lungsod.

Read more...