Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Eleazar na hahayaan ng kanilang hanay na manatili sa tapat ng St. Peters Church sa Commonwealth Avenue ang mga anti-Duterte protesters habang ang mga pro-Duterte naman ay mananatili sa IBP road sa Quezon City.
Pakiusap ni Eleazar sa mga pro at anti-Duterte protesters na sumunod sa mga napagkasunduan para hindi mauwi sa marahas ang kilos-protesta.
Sa ngayon aniya, aabot sa 7,000 pulis kung saan 13 security sub task group mula sa civil disturbance management ang magbabantay sa SONA ng pangulo.
Bukod sa mga sundalo, barangay officials, Metro Manila Development Authority (MMDA) at public safety officer ng Quezon City, makakasama rin aniya ng PNP ang mga kinatawan sa Commission on Human Rights (CHR) para masiguro na hindi malalabag ang karapatang pantao ng mga raliyista.
Ayon kay Eleazar, handing-handa na ang pnp sa sona ng pangulo.