Mga pangako ni Duterte sa taumbayan, nabigo – grupong BAYAN

By Chona Yu July 22, 2018 - 02:54 PM

Inquirer file photo

Bigo si Pangulong Rodrigo Duterte na tuparin ang kanyang pangako sa taong bayan noong panahon ng kampanya.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni BAYAN Secretary General Renato Reyes na hindi natupad ng pangulo ang pangako na bibigyan ng komportableng pamumuhay ang mga Filipino.

Sa halip, naging miserable ang buhay ng mga Pinoy dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil sa TRAIN law.

Hindi rin aniya natupad ng pangulo na tutuldukan ang kontraktuwalisasyon dahil marami pa rin sa mga manggagawa ang hindi nareregular sa kani-kanilang mga trabaho.

Dismayado na rin ang taong bayan dahil hanggang ngayon, hindi pa naseselyuhan ang usaping pangkapayapaan sa komunistang grupo.

Ayon kay Reyes, imbes na maglalagdaan na sa peace talks, biglang umurong ang administrasyon ni Duterte.

Sa isyu naman ng korupsyon, sinabi ni Reyes na hindi maikakaila na laganap pa rin ang kaliwa’t kanang pangungurakot ng mga opisyal ng gobyerno base na rin sa mga inilalabas na report ng Commission on Audit (COA).

Bigo rin ang pangulo na ipatupad ang independent foreign policy dahil tinalikuaran nito ang claim ng Pilipinas sa West Philppine Sea laban sa China at patuloy pa rin na nakikiaalam ang Amerika sa usapin sa Mindanao region.

Nadagdagan pa aniya ang pagkadismaya ng taong bayan dahil sa isinusulong ng pangulo na Charter change kung saan binabago ang kasalukuyang porma ng gobyerno patungo sa Pederalismo.

TAGS: renato reyes, Rodrigo Duterte, SONA, renato reyes, Rodrigo Duterte, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.