Tren na may mukha ni Duterte, gagamiting effigy sa SONA rally

By Chona Yu July 22, 2018 - 02:50 PM

Inquirer file photo

Isang tren na may malaking mukha ni Pangulong Rodrigo Duterte ang gagamiting effigy ng grupong BAYAN sa pagsasagawa ng kilos-protesta sa State of the Nation Address (SONA) bukas, araw ng Lunes.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni BAYAN Secretary General Renato Reyes na simbolo ito ng inaprubahang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law na naging pahirap sa taong bayan.

Sa ngayon aniya, unti-unti nang dumarating sa Metro Manila ang iba nilang mga kasamahan galing ng Central Luzon para makiisa sa kilos-protesta.

Ayon kay Reyes, sa kabila ng magandang koordinasyon sa Philippine National Police (PNP), nakararanas pa rin ng panghaharang ang iba nilang mga kasamahan lalo na sa may bahagi ng Pampanga.

Nangako naman si Reyes na magiging maayos ang kanilang kilos-protesta basta’t hindi lamang sila ipo-provoke ng PNP.

Pinayuhan din ni Reyes ang mga makikilahok sa kilos-protesta na magdala ng payong, kapote o iba pang uri ng panangga sa ulan dahil ayon sa PAGASA, patuloy pa rin na makararanas ng masamang panahon ang Metro Manila hanggang bukas.

TAGS: BAYAN, renato reyes, Rodrigo Duterte, SONA, BAYAN, renato reyes, Rodrigo Duterte, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.