Magaling na propagandista si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang naging pahayag ni Senador Antonio Trillanes IV kung kaya naloko ang taong bayan at naengganyong iboto sa pagka-pangulo.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Trillanes na nabudol-budol ng pangulo ang taong bayan.
Napaniwala kasi aniya ng pangulo ang taong bayan na tahimik ang Davao gayung mataas naman ang krimen sa lugar.
Sinabi pa ni Trillanes na sa dalawang taong panunungkulan ng pangulo sa Malakanyang, walang naging pagbabago sa buhay ng mga Filipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.