Pagsisinungaling at kalokohan lang ang sasabihin ni Duterte sa kanyang SONA – Trillanes
Hindi dadalo si Senador Antonio Trillanes IV sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas sa Batasang Pambansa sa Quezon City.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Trillanes na panonoorin na lamang niya sa TV ang SONA ng pangulo.
Ayon sa senador, hindi niya ididignify ang speech ng pangulo dahil tiyak na pagsisinungaling at pawang kalokohan lamang ang sasabihin sa taong bayan.
Sinabi pa ni Trillanes na lagapak ang performance ng pangulo dahil hindi naman niya natupad ang kanyang pangako na lalabanan ang korupsyon, kriminalidad at ilegal na droga.
Katunayan, sinabi ni Trillanes na naging miserable ang buhay ng mga Filipino sa ilalim ng administrasyon ni Duterte dahil tumaas ang mga bilihin, lalo naging mahirap ang buhay, nabalot ng takot ang publiko sa pangambang ma-tokhang, may breakdown sa law and order at iba pa.
Binitawan din ng pangulo ang claim ng Pilipinas sa West Philippine Sea at hinayaan ang China na kamkamin ang mga isla na pag-aari ng Pilipinas.
Pinakamalaking krimen aniya na nagawa ng pangulo ay ang paglaganap ng patayan kung saan halos 20,000 katao na ang napatay sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.