Patay ang dalawang magkapatid dahil sa lanslide bunsod ng tuluy-tuloy na pag-uulan dulot ng hanging habagat sa Agoo, La Union.
Natagpuang patay ng rescuers ang mga biktima sina John Jonard Galleros, 12-anyos at Joseph Galleros, 11-anyos sa bahagi ng Barangay San Francisco.
Natutulog ang mga biktima nang biglang gumuho ang apat na talampakang lupa sa kanilang bahay, Biyernes ng gabi.
Samantala, mahigit 600 pamilya naman ang inilikas sa probinsya ng Pangasinan dahil sa tuluy-tuloy na nararanasang pag-ulan.
Matatandaang isinailalim sa state of calamity ang Dagupan dahil umabot sa 31 barangay sa lubog sa baha sa lugar.
Maliban dito, idineklara na rin sa state of calamity ang San Carlos City at Sta. Barbara.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.