Tumama ang magnitude 3.2 na lindol sa Eastern Samar, Linggo ng umaga.
Batay sa inilabas na impormasyo sa Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 40 kilometers North ng San Policarpo dakong 10:23 ng umaga.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 39 kilometers.
Wala namang napaulat na nasirang ari-arian sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.