Oplan Galugad, isinagawa sa mga lugar matapos sa Batasang Pambansa

Inquirer file photo

Nagkasa ng Oplan Galugad ang pulisya at sundalo sa mga lugar na malapit sa pagdadausan ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas, araw ng Lunes.

Naghanda ng checkpoint para sa motorcyle riders sa bahagi ng Barangay Payatas A.

Maliban dito, sinuyod din ang mga eskinita kung saan nahuli ang ilang residente na nag-iinuman, nagvi-videoke, naninigarilyo at lumabag sa iba pang local ordinances ng Quezon City.

Dinalo ang 14 kataong dinampot na lumabag sa local ordinances, 13 lalaki at isang babae sa Barangay Commonwealth.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) director Chief Supt. Joselito Esquivel, anim na araw ng nagsasagawa ng Oplan Galugad na tinawag nitong area security malapit sa Batasang Pambansa.

Hindi aniya dapat magpakampante sa inihandang seguridad para sa SONA ni Duterte.

Samantala, pinauwi na rin ang mga lumabag sa ordinansa matapos makitang walang criminal record sa pulisya.

Read more...