Ilang residente, inilikas dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig sa Marikina River
Nagpatupad ng forced evacuation ang lokal na pamahalaan ng Marikina, Linggo ng umaga.
Ito ay bilang paghahanda sa posibleng pag-apaw at tumaas ang tubig sa Marikina River sa Alert level 3 o 18 metro.
Batay sa inilabas 8am monitoring information ng Marikina Command Center, umabot na sa 17.3 meters kung saan nananatili sa ikalawang alarma.
Batay sa Eastern Police District (EPD), nasa 423 pamilya na o 1783 indibidwal ang inilikas dahil sa patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig sa ilog at walang tigil na pag-ulan.
Ayon sa PAGASA, ang nararanasang pag-ulan ay bunsod pa rin ng umiiral na southwest monsoon o hanging habagat dulot ng Bagyong Josie.
As of 9:25AM, sitwasyon sa may Marikina river. Malakas din ang buhos ng ulan. @dzIQ990 pic.twitter.com/B70xTEJ1t4
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) July 22, 2018
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.