Maraming kalye sa Maynila isasara ng apat na araw sa paggunita ng Undas
Isang linggo bago ang paggunita ng Undas nag-abiso na ang Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) na maraming kalye ang isasara sa lungsod sa loob ng apat na araw.
Partikular na magpapatupad ng road closures sa mga lansangan na nasa palibot ng mga sementeryo sa Maynila.
Simula October 30, araw ng Biyernes hanggang November 2, ay sarado ang ilang bahagi ng Blumentritt, Aurora Boulevard, Dimasalang, Retiro, P. Guevarra, Leonor Rivera at Maceda.
Ang mga nabanggit na kalye ay nasa palibot ng Manila North cemetery, La Loma at Chinese cemetery na taun-taon ay dinarayo ng publiko kapag undas.
Bawal naman ang street parking sa Retiro at Laon-Laan o Dangwa at sa mga kalyeng itatalaga para sa rerouting.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.