(UPDATED AS OF 6:38AM) Umakyat na sa 17.0 meters ang lebel ng tubig sa Marikina River ngayong alas-6:35 ng umaga.
Bunsod nito, iniakyat na ng lokal na pamahalaan ang ilog sa Alert Level 2.
Sakaling umakyat pa sa 17 meters ang tubig ay imumungkahi na ng Marikina local government ang voluntary evacuation.
Habang ipatutupad naman ang forced evacuation sakaling umabot na ito sa third alarm o kapag umakyat pa ang lebel ng tubig sa 18 meters.
Sa impormasyon din na ipinahatid ng Marikina Public Information Office, suspendido na ang NSTP classes at iba pang klase sa kolehiyo ngayong araw, pribado at pampubliko sa lungsod.
Ang pag-uulang nararanasan ay bunsod pa rin ng Habagat na hinahatak ng Bagyong Josie.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.