Bunsod nito, sa 4:00AM advisory ng PAGASA, itinaas ang orange warning level sa Metro Manila, Cavite at Rizal.
Ibinabala ang banta ng pagbaha sa mga nabanggit na lalawigan.
Samantala, yellow warning naman ang nakataas sa Bataan, Bulacan, Laguna, Batangas at Northern Quezon.
Posible rin ang pagbaha sa mga mabababang bahagi ng mga naturang lugar ayon sa PAGASA.
Samantala, nakararanas ngayon ng mahihina hanggang sa katamtaman at paminsan-minsan ay malalakas na pag-uulan sa Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga at nalalabing bahagi ng Quezon na maaaring tumagal ng tatlong oras.
Pinapayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management councils na manatiling nakaantabay sa lagay ng panahon at antabayanan ang susunod na advisory ng PAGASA mamayang alas-7 ng umaga.