Idineklara ang state of calamity sa bayan ng Licab sa lalawigan ng Nueva Ecija Sabado ng hapon.
Nag-udyok kay Licab Mayor Femy Domingo na isailalim na ang bayan sa state of calamity bunsod ng patuloy na pagtaas ng baha dahil sa walang tigil na pag-uulan.
Sa isang panayam sinabi ng alkalde na higit 2,632 pamilya na ang apektado ng baha sa Licab.
Nanawagan ang alkalde sa mga ahensya ng gobyerno partikular sa Department of Agriculture na magbigay ng tulong at relief goods para sa mga magsasaka.
Sinabi ni Domingo na tatlong araw na ang baha sa kanilang lugar at nakapaghatid na ng relief goods sa mga residenteng pinili na manatili sa kanilang mga bahay.
Ayon sa opisyal, taun-taon namang binabaha ang kanilang bayan ngunit hindi nila inasahan na magiging masyadong mataas ang baha na mararanasan ngayon.
Sa Facebook page ng Licab sa Facebook, sinabi nitong hindi nakayanan ng Labong River at Kaputatan River ang tubig na ibinubuhos ng ulan.
Umaasa anila ang kanilang bayan na magtutulungan ang lahat para tugunan ang pangangailangan ng bayan na may 28,000 residente.