Gen. Bato nagpatupad ng cellphone ban sa BuCor

By Rhommel Balasbas July 22, 2018 - 05:16 AM

Ipinag-utos ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang pagbabawal sa pagdadala ng cellular phones ng mga empleyado at opisyal sa mga piitan.

Sa isang memo, sinabi ni Dela Rosa na siya ay nakatanggap ng beripikadong impormasyon na ilan sa mga personnel ng BuCor ang nagpapagamit ng kanilang personal communications devices sa ilang inmates kapalit ng pera.

Dahil dito anya ay tila parang nakukonsinte ng mga ito ang mga nakapiit na ipagpatuloy ang kanilang mga iligal na transakyon sa labas.

Nagbabala ang opisyal sa mga lalabag sa kanyang kautusan.

Sakop ng kanyang memo ang lahat ng empleyado ng New Bilibid Prison (NBP), Correctional Institution for Women, at mga prison and fenal farms sa Iwahig, San Ramon, Sablayan, Davao at Leyte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.