Pang. Duterte, binigyan ng poor rating ng grupo ng government employees
Binigyan si Pangulong Rodrigo Duterte ng poor performance rating ng isang grupo ng nagtatrabaho sa gobyerno.
Ayon kay Ferdinand Gaite ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE), bigo si Pangulong Duterte na gawin ang kanyang trabaho para sa mga manggagawa sa pamahalaan maski sa pribadong sektor.
Batay anya sa systema sa gobyerno ng pagsuri sa performance ng mga government employees, hindi natupad ng Pangulo ang kanyang mga pangako pagdating sa pagtanggal ng contractualization at ang matagal ng problema sa mababang sweldo.
Dalawang taon matapos maupo sa pwesto, sinabi ng grupo na walang political will ang administrasyong Duterte para tugunan ang mga problema ng mga manggagawa.
Iginiit ni Gaite na dapat matanggal sa pwesto si Duterte kagaya ng pag-alis sa mga government workers dahil sa non-performance of duty.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.