Robredo, handa sa posibleng insulto ni Pang. Duterte sa SONA
Handa umano si Vice President Leni Robredo sa posibleng insulto na ibato sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Lunes.
Sa kabila ng payo ng kanyang supporters na huwag dumalo, kinumpirma ni Robredo na magiging bahagi siya ng taunang talumpati ng Pangulo sa July 23.
Ayon sa Pangalawang Pangulo, bilang lider ng oposisyon ay responsibilidad niyang maging present sa SONA.
Hindi umano alintana ni Robredo sakaling insultuhin o hiyain siya ni Duterte sa SONA.
Sanay na raw si Robredo sa patutsada ng Pangulo at hindi naman siya mababawasan kahit siya ay insultuhin.
Inaasahang marinig ni Robredo sa SONA ang plano ng Pangulo kung paano resolbahin ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin at iba pang problema sa ekonomiya ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.