Acting CJ Carpio, kinumpirmang dadalo sa SONA ni Pangulong Duterte

By Rohanisa Abbas July 21, 2018 - 07:27 PM

Dadalo si acting Chief Justice Antonio Carpio sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes.

Ayon kay House of Representatives Secretary-General Cesar Pareja, kinumpirma ito ni Carpio.

Bago ito, sinabi ni Pareja na hindi dadalo ang acting chief justice sa SONA ni Duterte.

Nilinaw ni Carpio na hindi aniya pinaunlakan ang imbitasyon na ipinadala bago pa man mapatalsik si Maria Lourdes Sereno bilang punong mahistrado.

Ipinahayag ng acting chief justice na dadalo siya sa SONA bilang kinatawan ng hudikatura.

Iniimbitahang dumalo sa SONA ang lahat ng mga pinuno ng mga ahensya ng gobyerno.

TAGS: antonio carpio, Chief justice, hudikatura, Rodrigo Duterte, SONA, antonio carpio, Chief justice, hudikatura, Rodrigo Duterte, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.