Duterte, mas mabuting huwag harapin ang mga rallyista sa SONA – Renato Reyes
Walang problema sa isang militanteng grupo kung hindi sila haharapin ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, ipinahayag ni Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Secretary General Renato Reyes na ibang-iba ang sitwasyon ngayon kung ikukumpara sa nakalipas na taon.
Aniya, pinakamabuti para sa Pangulo na hindi na makipagkita pa sa mga rallyista matapos ang kanyang State of the Nation Address.
Tiniyak naman ni Reyes na gaya aniya noong nakaraang taon, magiging mapayapa at maayos din ang mga kilos-protesta sa SONA ni Duterte sa Lunes.
It’s for the best that the President would not go out to meet SONA protesters. The circumstances today are very much different from last year. Just the same, the protests will be peaceful and well-organized. We do not forsee any untoward incidents coming from the groups.
— Renato Reyes, Jr. (@natoreyes) July 21, 2018
Una nang sinabi ni Special Assistant to the President Bong Go na hindi personal na haharapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga rallyista sa kanyang SONA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.