LRT-1 balik-normal na ang operasyon

By Alvin Barcelona July 21, 2018 - 04:42 PM

FILE

Balik na sa full operation ang buong linya ng Light Rail Transit 1 (LRT-1) mula Baclaran hanggang roosevelt station umpisa 2:59 ngayong hapon.

Ito ay matapos na limitahan ang operasyon ng LRT mula UN Avenue hanggang Roosevelt station mula kaninang umaga.

Ayon sa abiso ng LRT 1, nagkaroon ng line to ground fault ang electrical cable papunta sa tren nito sa south line ng Libertad Station kaya napilitan silang magpatupad ng power shutdown.

Dahil dito, nilimitahan ang operasyon ng linya para sa kaligtasan ng mga pasahero.

Nakumpuni na ng mga technician ang problema at ngayon ay naibalik na ang kuryente sa linya.

Wala namang napinsala at nasaktan sa aberya at ang mga pasahero ay na-evacuate sa pinakamalapit na istasyon.

 

TAGS: baclaran, full operation, LRT, lrt 1, Roosevelt, baclaran, full operation, LRT, lrt 1, Roosevelt

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.